Upuan
ni
Thea Domingo
Ako
ay nagising nalamang sa isang malakas na boses na tila ba ay sabik na sabik. Parang kilala ko na kung sino iyon. -.- siya ang aking
kaibigan/kapatid, si Andy Versosa. Napaka- lakas ng kanyang boses. Napaka-
bungangera talaga netong babae na ito. Di na ako magtataka kung bakit ganyan
yan. Hahaha. Mantakin mo naman, pag pumapasok ka sa bahay nila para kang nasa
palengke, sa sobrang dami nila at kahit magkaka- tabi na sila ay ang lalakas
parin nilang mag- usap.
Ako
nga pala si Kristina Evans, isang simpleng babae na ang pangarap lang ay
mahanap ang aking one and only love. Hahaha. Puro landi noh? Kahit yan lang ang pangarap ko ay
masipag naman ako mag- aral. Sa katunayan nga isa akong scholar sa school
namen, laging sinasali sa competitions, mga beauty pageant. Oh diba?!
"beauty pageant" well, di ko na ikakaila, maganda naman ako e, may
half kase ako, ang daddy ko American, syempre ang mommy ko Filipina. Ang totoo
niyan ay, sawi ako sa aking unang lovelife. L
CHAPTER
1
"Krrrrriiiiiiiiiiiiisssssss!!!"
tawag ni Andy saken.
"Ang
ingay mo naman Ands. -,- magka- tabi lang tayo oh."
"Sorry
na. J *peace sign* tignan mo to!. J" sabay turo sa desk ko.
"Oh ano meron? -__-"
"May
nag- reply sa vandal mo."
"OH?!"
biglang tingin sa desk ko. Di ko yun napansin
kanina ah.
*nakasulat* "broken?"
Sabi ko kase "HAAAYYY </3" di parin kase ako nakakamove- on sa
ex ko. Hirap niya kalimutan e. L sa tagal niyo ba namang nag- sama, tapos biglang ganun. L eh sa sobrang mahal ko
siya, masisisi niyo ba ako? NAGMAMAHAL EH.
"Ano na bestie? Sasagutin mo ba yan?" tanong ni Andy saken.
"Hhhhhhmmmm."
"Suuus! Aken na na yan." *biglang agaw ng
ballpen*
*sinulat*
"hindi naman"
Sumunod
na araw….
Napatingin
ako sa desk ko. Uy! Nag- reply. "aahhh. Ako oo e" sa isip ko
"ano pakielam ko kung heart broken ka? Close tayo?." Hahaha! Pabayaan
na nga, para naman may ibang makausap, di laging si Andy, kasawa. JOKE! Hahaha.
"aawww.
Wait! Girl o boy?"
The
next day….
"boy"
sagot niya. May panghapon pa akong klase kaya babalik pa ako dito. Kaya mamaya
makikita ko ulit kung may reply siya.
"uuyyy!
Bestie, parang lagi mo ng inaabangan yang kausap mo sa
upuan ah." Sabi ni Ands.
"haha! Oo nga e, di ko rin alam kung bakit."
"eh
kung mag- kita nalang kayo. J"
Hala?. Mag- kita? Baka kung sino pa yan e, di ko naman kilala. Baliw talga
tong kaibigan ko.
"wag na uy"
"choosy pa teh?"
"baka kung sinong tao pa yan e, mapahamak pa ako. Duuuh?! :P"
"eh taga dito lang naman sa university naten yan e. Popogi kaya ng mga
boys dito. :P J"
"saka na bestie."
"osige bestie, usap muna kayo. Haha! Replayan mo na!"
Mamadali tong bestie ko, siya na kaya makipag- usap.
"aahh. Haha. Gf noh?"
Hapon....
"hindi, ex ko."
WOW!
Di pa din siya nakakamove- on. Parehas lang kame. So sad.
"aaww.
Parehas tayo."
Nakita
ni bestie yung sinulat ko. "WOOW! Bagong bestfriend?" sabi niya.
"hala? Tampo ka na niyan"
"di! Haha. Jk lang."
"ikaw
lang bestie ko wag ka mag- alala."
"yiiieeee!
Kilig naman ako dun bestie."
"mag-
kita na kayo?."
"bakit
naman?
"para
naman malaman niyo kung ano itsura ng bawat isa at magkakilala kayo in
person."
"nakakahiya
bestie."
"ikaw? Mahihiya? Alam ko namang gusto mo ng makita yan. :P mukhang
interesado kayo sa isa't isa e."
"oy! Grabe ka ha. May hiya din naman ako. Alam mo na,
hirap ng masaktan ulit."
"kaya nga makikipag- kita diba? Para may makilala ka
at makalimutan mo na ng tuluyan yong lalake na yon."
Speaking
of that boy, yung lalake na yun, ang pangalan niya ay Ian Montefalco. Siya lang
naman ang aking one and only love. Kaso… sa isang iglap ay bigla nalang nawala.
Sa isang napaka laking dahilan. Ang sabi niya nag- sawa na daw siya saken at
meron na siyang iba. Mantakin mo yun?. Grabe diba? Eh sa bawat araw na magka-
sama kame parang wala ng bukas sa sobrang sweet namen sa isa't isa at halos din
a kame mapaghiwalay. Haaay! Memories. </3
"huy bestie! Naalala mo na naman si Ian na yon?."
"oo e. L"
"kalimutan mo na yon! Wala ka namang mapapala e. Eto na ha, sasabihin
ko na sa boy upuan na mag- kikita kayo."
*biglang agaw ng ballpen*
"pwede ba tayo mag kita?" sinulat niya.
"ano kaya sasagutin niya?" sabi ko kay bestie.
"malay naten J"
Mga
ilang araw ang nakalipas at wala parin siya reply. Sad lyf. Tinadtad ko ang
lamesa ko ng sulat.
"huy!"
"bakit
ang tagal mo naman mag- reply?"
"busy?"
Makalipas
ang isang araw..
"sorry, di ako nakareply agad ha. Sige tara kita tayo. 3:00
pm sa gymnasium, bukas ah. See ya there"
Nakita namen ni bestie ang reply niya. Si bestie sobrang kilig naman, daig
pa ako e.
"uy
Kris! Nag reply na siya oh. J"
"alam
ko, may mata ako oh."
"ay,
sorry naman. Wala ka kaseng reaksyon dyan e."
"inunahan
mo lang ako."
CHAPTER
2
Nasa
gymnasium na ako ng 3 pm sa may sulok. Pero wala parin akong nakikita na
pumupunta doon.
Hanggang sa ilang minuto ay… nakita ko ang ex ko na si Ian. Bakit siya
papunta dito sa pwesto ko? Na parang may hinahanap. Ako naman
timalikod ako, nahiya ako e.
Biglang
may kumalabit sa aken. OHHMYYGHAD! Nagulat ako pag lingon ko si Ian. Ang lakas
ng kabog ng dibdib ko. Nakita ko ang reaksyon sa kanyang mukha. Siya ay gulat
na gulat at umiiwas ng tingin. Ako naman tong si parang wala lang, pero deep
inside gusto ko na siyang yakapin. At sabihin na "ganon nalang ba yon?
Bigla ka nalang mangiiwan? Di mo baa lam na napaka- sakit?."
Ian's
POV
Nakita ko si Andy sa gymnasium, dito din pala siya naga- aral, ngayon ko
nalang ulit siya nakita. Miss na miss ko na siya ar mahal na mahal ko parin
talaga siya. Kung alam niya lang ang totoong dahilan kung
bat ako nakipag- hiwalay sa kanya. L
Alam
kong nakita niya ako kaya tumalikod siya bigla. Di ko alam kung lalapitan ko ba siya o ano. Pero bigla nalang akong nag-
lakad papalapit sa kanya ng di ko namamalayan. Kinalabit ko siya at
nakita ko ang kanyang magandang mukha. Mahal na mahal ko tong babaeng ito.
Soooobraaa.
"oh, ikaw pala yan?" sabi ko. Pambasag katahimikan
lang. Di siya nakasagot agad. Lumingon lingon
siya sa paligid niya. "hoy ikaw yung kausap ko Krissy. Sino pa ba nasa
harap ko?"
"AY! Ako ba? Ha ha ha ha" sabi niya.
"haha.
Oh, kamusta ka na?" sa isip ko "miss na miss na kita"
"eto,
buhay pa naman." Yan ang sagot niya. Pero alam kong meron pa siyang sinabi
di kong lang narinig dahil bigla akong tinawag ng tropa ko. KAINIS!
Kris
POV
"eto,
buhay pa naman. Kahit na alam kong patay ako sa loob dahil iiwan mo ako."
Pero alam kong di niy narinig yun. Dahil tinawag siya ng tropa niya.
Napalingon siya sa mga tropa niya.
"uy!
Andito ka lang pala Ian e. Ooooohhh. Sino naman tong chikababes na kausap mo? Naka move- on ka na ba sa ex mo?
HAHAHAHA!" sabi ng isa niyang tropa at sabay sabay pa silang tumawa.
Wait,
what? Nakamove- on? Ha? So di pa siya nakakamove on sa ex niya? Sinong ex? Ako
o yung pinalit niya saken. Gusto ko sana siyang tanungin kaso natataot ako,
baka umiyak ako sa harap niya.
"ano ba mga tol! Ingay niyo naman e. Si Kistina Versos pala..."
Inaabangan o ang susunod niyang sasabihin.
"kaibigan
ko" dagdag niya. Aray! "kaibigan" parang walang pinag- samahan
ah?. HUWAW!
"aahhh! Bago mo na ba yan tol?" sabi ng isa.
"hindi tol"
"sus! Alam kong type mo yan. Haha! Tulungan ka namen"
"ano ba tol! Tara na nga."
"oh!
Diba may kikitain ka pa dito? Saan na siya?"
Kikitain? Sino naman kikitain neto?. Hala! Ako din pala meron. Pero siya
kaya yun? Ayoko namang mag expet na siya yun. Dami dami pang lalake dyan.
"kikitain?" sabi ko. "ha? Ah! Oo meron, kaso mukha di siya
dadating e." Sagot niya. "sige alis na ako" dagdag pa niya.
"ahhh.
Sige bye." Umalis na ako.
Bigla
niya akong hinila at binulong sa akin "mahal na mahal parin kita Kris kung
alam mo lang"
At
naiwan nalang akong nakatayo habang paulit ulit na naririnig ang mga sinabi
niya.
Totoo
kaya yon?
Makalipas
ang ilang araw…
CHAPTER
3
"Kris!
May nagpapabigay sayo." Biglang may lumait saken na kaklase ko at may
inabot na sulat.
"Kanino
naman kaya galing to?." Nagtatakang tanong sa aking sarili. At
napapatingin nalamang sa aking kaibigan na si Andy na tila ba ay kinikilig.
"Ands,
may alam ka ba kung kanino toh galing?"
"Ha?
Wala ah. Hahaha!" natatarantang sagot niya saken at pinilit akong buksan
ito. Binuksan ko ito at nagulat ako sa aking nakita.
Galing
kay Ian. :o gulat na gulat ako sa aking nakita. Dahil nakalagay ditto ang isang
conversation na ako ang nag simula. Ito yung nasa upuan. Pano niya nalaman na ako yun?. At
nakikipag- kita siya saken sa pinagtatrabahuan ko na fast food.
Nandito
na ako sa fast food na pinagtatrabahuan ko at nakita ko siya sa may pinto na
naka- abang. Nilapitan niya ako at saka niyakap. Nagulat ako sa kanyang ginawa.
Naitulak ko siya ng malakas at napalayo siya saken.
"teka. Pano mo nalaman?" tanong ko.
"ang alin?"
"na ako yung kausap mo sa upuan?."
"hhmmm. Sa kaibigan mo?"
"ha? Kay Andy?. Pero pano naman kayo nag- usap?."
"nung paglabas ko ng gymnasium, nakasalubong ko siya tapos tinanong
niya saken kung nakita daw ba kita sa loob, tapos nabanggit niya saken na may
inaantay ka pala doon... ako pala yung hinihintay mo.. at.. ikaw pala yung
hinihintay ko."
"so
totoo pal yun? Yung di ka pa nakakamove on sa ex mo?"
"oo.
At ikaw yun."
"ako?
Eh diba nga iniwan mo ako dahil may iba ka ng babae?!" paiyak na ako ng
sabihin ko yan.
"hindi..
hindi totoo yung sinabi ko. Kaya ko lang naman sinabi yun…"
Umalis
na ako sa harap niya dahil hindi ko na kaya ang mga susunod niyang sasabihin.
Bigla
nalang may himawak sa braso ko at saka ako hinarap sa kanya para yakapin.
Napaiyak ako sa ginawa niya.
"kaya
ko lang naman ginawa yun dahil ayokong mahirapan kang kalimutan ako, dahil
isasama na ako ng mommy ko sa Canada at ayokong iwan ka, pero wala akong
magawa. Kaya gumawa nalang ako ng paraan para mas mabilis mo
akong kalimutan. Pero nagkamali pala ako. Akala ko makakalimutan kita, akala ko
lang pala yun. Akala ko yung kausap ko sa upuan ay iba, na papalit sayo. Pero
ikaw parin pala yon. Hindi ko na ulit hahayaang mawala ka saken. Ayoko ng
mawala sa piling mo." Lumuluha siya ng sabihin niya yan saken.
Wala akong nasabi pero bumitaw nalang ako sa pagakayakap at umalis sa
kanyang harap.
CHAPTER 4
Makalipas ang ilang buwan...
"hi! Goodmorning loves. J" bati niya saken sa umaga.
Nga
pala, ilang araw nung nagkausap kame nagkabati din kame at unti unti nameng
binalik ang dating kame. Hanggang sa grumaduate kame ay halos din a talaga kame
mapag- hiwalay. Ako ang valedictorian namen at siya naman ang salutatorian ng
school. Relationship goals kung baga. Hahahaha!
Masaya
ako kung ano ang meron kame ngayon. Di nman kame nagmamadali. May kanya kanya na kameng trabaho ngayon at sa
susunod na taon ay ikakasal na kame. J hehehe. Napakasaya ko
dahil siya parin pala. Ang akala kong kausap ko sa upuan na iba ay siya din
pala. Ito na nga ata talaga ang tinatawag na destiny. J
“Ang
Aking Kaarawan”
Isinulat
ni: Kenneth Troy C. Roxas
Hello
sa iyo sana po basahin mo ang kwento ko at sana po tapusin mo salamat, simulan
na natin ang kwento ng buhay ko. Ako ay nakatira sa malayong lugar kung saan
ako ay laging pinapahirapan ng mga tao ako na yata ang pinaka-nakakaawang
nilalang sa buong kalawakan dahil sa mga ginagawa sa akin ng mga tao lagi nila
akong pinapahirapan at sinisira nila ang buhay ko. Ang itsura ko naman ay ito
ang kulay ko ay medyo berde, bilog ang aking ulo, blue ang mga mata ko makapal
ang kilay ko, medyo mataba ako at di na ako maganda ngayon dahil sa mga tao na
naninira sakin kaya muntik na ako magpakamatay noong 2012 buti ngayon buhay pa
ako tatlong taon na ang nakalipas at dala dala ko parin ang mga problema ko
humihingi ako ng tulong sa aking mga kapatid kaso ayaw nila ako puntahan dahil nasa malayo na sila at oo nga pala may
pito akong kapatid at ako ang pangatlo, ang mga kapatid ko ay sina Yrucrem,
Sunev, Sram, Retipuj,Nrutas,Enutpen,
Sunaru at si Nu ang aming ina, kakaiba ang mga pangalan nila diba ang aming ama
ay di na namin nakita nung bata pa kami ako lang ang mahirap sa aming
magkakaptid at sila ay mayayaman na,
tapos ko na ipakilala ang aking mga kapatid at itutuloy ko na ang aking
kwento nung 2012 muntik na ako magpakamatay pero naisip ko ang mga taong
patuloy parin sa pagtatanggol at nagmamamahal sa akin at doon na lang ako
kumukuha ng lakas para maging matatag lalo, may ikwe-kwento ako sa inyo tungkol
sa isang babae na walang magulang, kapatid o mga kamag-anak na nakatira sa
kanilang lugar siya rin ay laging inaapi katulad ko, sunog ang kanyang kanang
katawan at wala na siyang kanang kamay at
ang kanang paa niya ay di na niya magalaw ng maayos pero di siya nawawalan ng pag-asa dahil may
tiwala siya sa diyos na magigigng maayos ang lahat, ang pangalan niya ay Hannah
marami ang mga tao na umiiwas sa kanya dahil sa kanyang itsura na di kagandahan
at isa na dun ang dalawang dalaga na sina Ayen at Athena sila rin ay umiiwas
kay Hannah at paminsan minsan sinisigawan nila ito at pinapaalis sa kanilang
lugar at minsan nung naglalakad ako sa kanilang lugar nakita ko na binabato
nila si Hannah nung nakita ko ito, pinigilan ko sila “Kailangan natin siyang
paalisin dito sa ating lugar siya ang nagdadala ng malas satin” ang sabi ni
Athena at ang sagot ko naman “Bakit niyo naman nasabing siya ang nagdadala sa
atin ng malas” sagot naman Athena “Dahil anak siya ng isang aswang” nung sinabi
nila yun ako ay biglang tumawa at sinabing “Paano niyo naman nasabing anak siya
ng isang aswang, nakita niyo na ba ang kanyang magulang, o nasabi niyo yun
dahil sa kanyang itsura at ang kumakalat na mga tsismis?” sagot ni Ayen “Di pa
namin nakikita ang mga magulang niya pero maraming nagsasabi na siya ay anak ng
aswang” sagot ko naman “sabi ko na nga ba, dapat kayong mga bata wag kayong maniniwala sa mga
sabi-sabi ng mga tao mas maganda kung kayo ang nakakita at kung may proweba
kayo, alam niyo ba siya ang nagligtas sa inyong buhay nung mga bata pa kayo,
nung isinilang kayo nasunog ang bahay ninyo at siya ang nagligtas sa inyo kaya
nasunog ang kanan niyang katawan at kaya wala na siyang kanang kamay at ang
kanyang kanang paa ay di niya kayang igalaw ng maayos dahil sa kanya kayo pa ay
buhay”. Nung narinig nila ang sinabi ko sila ay umiyak at niyakap si Hannah at
ang huli kong sinabi sa kanilang dalawa “Kaya ngayon wag kayong manghuhusga
basta basta dahil sa kanilang itsura o dahil sa mga naririnig o nakikita niyo
dahil di niyo pa sila kilala at malay niyo sila pa ang tutulong sa inyo balang
araw“ pagkatapos nun umalis na ako at dun na natatapos ang kwento ko kay
Hannah, minsan ganun din ang nangyayari sakin maraming tao ang umaapi sakin,
minsan may mga bata rin na bumabato ng mga kalat sa aking tirahan lagi lagi
nila akong pinapahirapan at sinasaktan kaya di ko na to matiis minsan kaya
pinapakawalan ko na rin ang mga galit ko sinisira ko rin ang mga bahay nila,
nagpapakawala ako ng malalakas na kidlat at ulan para bahain sila at para mga
basura ay bumalik sa kanila, tama ang iyong nabasa, kaya ko yun gawin doon ko
nilalabas ang buong galit ko pero minsan
nagagalit ako sa sarili ko dahil marami ang inosenteng namamatay, kaya ngayon
iniiwasan ko na ang pagpapakawala ng malalakas na bagyo. Magkwekwento na lang
ulit ako para mawala ang lungkot na nararamdaman ko, ito naman ay tungkol sa
isang lalaki na nanalo ng Limangpu’t tatlong milyon sa lotto pero naubos rin
ito pagkatapos ng tatlong buwan dahil gastos siya ng gastos bumili siya ng
isang mamahaling bahay at ng kotse at wala rin siyang trabaho dahil sabi niya
di na niya kailangan ng trabaho dahil may pera na siya, bili lng siya ng bili
ng lahat ng kailangan niya mga damit o pagkain at iba palagi rin siyang
nagsusugal hanggang sa maubos ang kanyang pera at ngayon balik hirap siya at naghahanap
na rin siya ng trabaho ngayon ang pangalan niya ay Rems siya ay naniniwala sa
swerte at malas doon lang siya umaasa, nung nakita ko siya na nagsusugal dati,
kinausap ko siya at sinabi ko sa kanya na itigil na niya ang pagsusugal dahil
may pera na siya at sinabi ko rin na magtrabaho nalang siya kesa mag sugal,
pero di niya ako pinansin at tinaboy niya lang ako, wala akong nagawa kundi
umalis na lang at nung nakita ko ulit siya di na siya milyonaryo balik hirap na
lang siya ulit nilapitan ko siya at kinamusta ko siya sabi ko sa kanya “Huwag
kang magalala Rems di pa huli ang lahat basta magsipag ka lang sa buhay at
aayos na ang lahat” ang sagot niya “Maraming salamat po sa inyo at patawad
dahil di ko po sinunod ang sinabi mo salamat dahil kahit di mo ako kilala
tinutulungan mo parin akong maging matatag”
ang sagot ko naman “Ganito talaga ako matulungin sa mga tao basta lagi mong
tatandaan huwag ka dapat maniwala sa swerte at malas dahil di sa lahat ng oras
tayo ay swerte at di sa lahat ng oras tayo ay malas tayo ang gumagawa nun at
ang magagawa lang natin ay magsumikap para umasenso” pagkatapos nun nagpaalam
na ako sa kanya dito na natatapos ang kwento ko kay Rems sana may natututnan
kayo ulit na magandang aral. Ako ulit ay magkwekwento pero bago muna yun ako
muna ay magbibihis para lumabas muna at gumala habang nagkwekwento. Ngayon
simulan na ulit natin ang bago kong ikwekwento pero biglang may nagsisigaw sa
daanan ko, di ko siya kilala pero sa tingin ko siya ay naniniwala sa hula o
kapalaran dahil ang sinisigaw niya ay
“Ako ay makakapag-asawa ng isang mayaman na binata sabi ng isang manghuhula”
siya ay sobrang Masaya dahil doon pinuntahan ko yung manghuhula at nakita kong
sobrang daming tao ang nagpapahula sa kanya dahil daw nagigigng totoo ang
kanyang mga sinasabi may nakilala akong tao na sobrang Masaya dahil sa sinabi
ng manghuhula dahil daw siya ang magiging isang mayaman na tao nilapitan ko
siya at kinausap at ang sabi ko “Bakit po kayo naniniwala sa hula?” ang sagot naman niya “dahil marami ang nagpapahula
sa kanya at nagkakatotoo ito “ ang sabi ko naman “May nakita ka na ba na taong
nagpahula sa kanya at yung hula nung manghuhula ay nagkakatotoo?” ang sagot
niya “Wala pa po” ang sabi ko naman “Dapat huwag kang maniwala sa mga hula
dahil kung may gusto kang mangyari o may gusto ka, kailangan mo itong
paghirapan dahil ang sarili natin ang gumagawa sa kapalaran natin” pagkatapos
nun ako na ay umalis at nagpatuloy sa paglalakad marami parin ang naniniwala at
nagpapahula pero pinabayaan ko na lang sila. Itutuloy ko na ang kwento ko ito
ay tungkol sa isang babae na sobrang ganda maraming lalake ang humahanga sa
kanya at sobrang dami din ang kanyang manliligaw siya ay si Marianne siya ay
mayaman at matalino pero ang kanyang ugali ay di maganda siya ay mayabang at
nanlalait ng ibang tao lahat na lang ay inaayawan niya kapag pangit ito minsan
nakita ko siya sa labas ng kanyag paaralan at nung nakita kong maraming lalake
ang sumusunod sa kanya para manligaw ay di niya ito pinapansin at tinataboy
niya lang ito, nung nakita ko siyang mag isa sa isang tindahan kinausap ko siya
at sinabi ko “Bakit di mo tinatanggap ang mga regalo ng mga nanliligaw mo?” di
niya ako pinansin at umalis agad pero hinabol ko siya at sinabing “Di mo ba
alam na pinaghihirapan din nila bilhin ang mga regalo nila sa iyo at di mo ba
alam na masakit sa isang tao ang tinataboy ng kanyang hinahangaan” bigla niya
akong sinagot ng pasigaw “Shut Up please wala ka pong pakielam sa buhay ko”
medyo nabastos ako doon pero sinagot ko siya “Ikaw ang tatanungin ko kung ang
iyong hinahangaan ay itinaboy ka ano sa tingin mo ang mararamdaman mo? Diba
masasaktan ka?” di niya ako pinansin at siya ay umalis ulit pero hinabol ko
siya at sinabing “Para sa akin di mahalaga ang itsura ng isang tao, di rin
mahalaga kung siya ay matalino at di rin mahalaga kung mayaman o mahirap ang
isang tao para sakin mas nangingibabaw parin ang magandang ugali” di parin niya
ako pinapansin, wala akong magawa kasi sinundo na siya ng kanyang mga magulang.
Makalipas ng dalawang linggo parang na-realize nya ang sinabi ko dahil nung
nakita ko siya ulit habang bumibili ako ng pagkain, dumami ang kanyang kaibigan
at nagtanong-tanong rin ako sa mga kaklase niya at sinabing naging mabait na
siya di na rin daw niya itinataboy ang mga manliligaw niya at kinukuha na rin
niya ang mga regalo ng mga ito, gusto ko sana siyang kausapin pero di ko nagawa
dahil sinundo na siya ng kanyang mga magulang
at yun na ang huli naming pagkikita dahil lumipat na siya ng paaralan at
tirahan dito na nagtatapos ang kwento ko kay Marriane, sana nagustuhan niyo
ito, guma-gabi na kaya uuwi na ako. At kinabukasan na ang aking kaarawan pero
para sakin simpleng araw lang ang mangyayari bukas dahil wala naman ako bisita
at handa kasi wala naman gustong pumunta sa aking kaarawan sana sa aking
kaarawan wala sanang mang-gugulo sa akin. Pagkagising ko parang wala namang
special at ganun parin dating gawi laging mag isa, magkwekwento nalang ulit ako
pero bago yun ako muna ay kakain. At ngayon tapos na ako kumain sismulan ko na
ulit ang pagkwekwento pero hindi kwento tungkol sa ibang tao, ngayon sa akin
naman diba nasabi ko na sa inyo na kaya kong gumawa ng malakas na bagyo, doon
ko nilalabas ang mga galit ko di lang iyon ang kaya kong gawin kaya ko rin
gumawa ng mga tsunami at lindol, ang lakas ay nagmumula sa galit ko kaya pag
sobra akong nagalit malalakas ang napapakawalan ko at di lang yan ang kaya kong
gawin, kaya ko rin kausapin ang mga hayop, puno at halaman at iba pa na gawa ng
ating diyos sila lang mga nakakausap ko kapag mag isa ako at sa kanila rin ako
naghahanap ng mga impormasyon sa isang tao kaya lahat ay kilala ko pati ikaw
kilala ko gusto ko sanang ituloy ang aking kwento kaso may biglang nanggulo
sakin ayaw ko na sanang magalit kaso lagi-lagi nalang akong pinagtitripan ng mga tao lagi nlang
nila binabato ang aking bahay ng mga basura nila pinipitas nila at sinisira
nila ang mga halaman na nasa paligid ng bahay ko ng walang pahintulot halos
lagi-lagi nlng ako naghihirap sa mga taong walang paki-elam sakin. Sana naman kahit
isang tao man lang ang bumati sa aking kaarawan kaso wala man lang tao ang
gustong bumati dahil di nila alam, may bumabato na naman sa aking bahay pero di
ko nalang sila papansinin kaso ayaw parin nila tigilan kaya tinignan ko sila sa
bintana at wala naman akong nakikitang tao sa labas at di ko alam kung saan
sila bumabato hanggang ngayon binabato parin nila ako pero di ko na-realize na
di pala sila nangbabato kundi sila ay kumakatok sa aking pintuan di ko sila
kilala pero binuksan ko ang aking pintuan at bigla silang sumigaw nagulat ako
at muntik na ako umiyak sa sinabi nila sa akin parang tumaba ang puso ko sa
sinabi nila “Happy Birthday!” di ko alam na may nakaka-alam ng aking kaarawan
di ko alam kung pinagtritripan nila ako o hindi pero medyo napaiyak ako doon
ang sabi nila “Hindi mo ba kami nakikilala?” ang sagot ko naman “Hindi po eh
sino po ba sila?”
Ang sagot ng isang lalake “Kami ang mga natulungan mo” ang sagot ko “wala po
ako naalalang tinulangan na….” Biglang nagpakilala ang isat-isa “Ako si Marriane”,
“Ako si Rems” , “Ako si Athena”, “Ako si Ayen”, “Ako si Roddolf” ang sabi ko
naman “OHH .. kayo pala yan di ko na kayo nakilala dahil medyo tumanda na kayo
haha” pinapasok ko sila at kumain kami, nagpapa-salamat ako dahil nagdala sila
ng mga pagkain at pinagpatuloy namin ang paguusap ang sabi ko kay Marriane
“Marriane anlaki mo na pala di kita nakilala dahil gumanda ka lalo” sagot naman
niya ng pangiti “Salamat po, salamat rin po sa sinabi niyo po sakin na mas
mahalaga ang ugali kesa sa itsura naisip ko na magiging maayos ang buhay ko
kung wala akong mga kaaway“ ang sabi ko naman kay Roddolf “Mukhang nagkatotoo
ang sinabi ng manghuhula sa iyo naging mayaman ka na” ang sagot naman ni
Roddolf “Parang ganun na po pero ako po ay nagsikap mabuti para umunlad
nagtrabaho ako ng maayos at ngayon umunlad na ako, salamat po sa sinabi mo niyo
po sa akin” ang sabi ko naman kay Ayen at Athena “Musta na kayong dalawa at si Hannah kamusta na rin”
ang sagot naman nila “Okay lang po kami nagpapasalamat po kami ng sobra sa
inyo, di na rin po kami nanlalait at nanghuhusga sa mga nakikita namin at si
Hannah naman po sa tingin po namin masaya po siya kung nasaan man siya ngayon”
ang sabi ko naman “Nasaan na ba si Hannah” sagot ni Ayen “Siya na po ay pumanaw
na nung isang araw dahil may malubha siyang sakit” ako ay nalungkot nung
narinig ko yun pero si Rems ay nagpatawa kaya medyo nawala ang lungkot namin
ang sabi ko naman kay Rems “Musta ka na Rems mukhang umunlad ka na” sagot naman
ni Rems “ Sa tulong mo po kaya po ako ay umunlad nagsikap akong mabuti at di na
ako naniniwala sa swerte at malas dahil tama po kayo na tayo ang gumagawa
doon”. Kaming lahat ay sobrang masaya sa pagdiriwang sa aking kaarawan at di ko
talaga alam kung paano nila nalaman na ngayon ang aking kaarawan, ang sabi nila
nagtanong-tanong sila sa aking mga kapitbahay at nasabi nila na ngayon ang
aking kaarawan, kaya sila pumnta sa aking tirahan para magpasalamat sa akin
nagkataon na sila ay nakapunta sa aking tirahan sa araw ng aking kaarawan at
nagkataon din na nagkakilala silang lahat dahil hinahanap nila ako sa aking
lugar. Sana dumami pa ang mga tao na
mag-mamahal sakin. Dito na po nagtatapos ang aking kwento sana po nagustuhan
niyo ang aking kwento. “Di pa nagtatapos ang iyong kwento!” sabay-sabay nilang
sinabi yun at ang sagot ko naman “May nakalimutan pa ba akong sabihin sa
kanya?”
Ang sabi naman nila “Di ka pa nagpapakilala sa kanya” ang sagot ko naman “Oo
nga pala di ko pa nasasabi ang aking pangalan, ako nga pala si… Earth”.
qKWENTONG HINDI MATAPUS-TAPOS, BAYANING DI NAMAMATAY: ISANG
KONTEMPORANYONG PAGBASA SA MGA ETNOEPIKO NG AKING BAYAN
KWENTONG
HINDI MATAPUS-TAPOS, BAYANING DI NAMAMATAY:
ISANG
KONTEMPORANYONG PAGBASA SA MGA ETNOEPIKO
NG
AKING BAYAN
Isinulat
ni: april joy s. acosta
May bayaning lumilisan para makipagsapalaran, nakikipaghamok,
umiibig, namamatay ngunit pagkatapos ay nabubuhay. May mga kwento ng kagitingan
at katapangan. Binasa ko ang Ulahing sa
pagitan ng mga balita ng pagpaslang sa kanayunan. Tinunghayan ko ang Ullalim habang nagpapatuloy ang pakikipaghamok ng mga
aping sector ng aking lipunan. Humanga ako kay Lam-ang, katulad ng paghanga ko
sa lahat ng nakikibaka para sa katarungan. Aking pinag-aralan ang mga etnoepiko
sa pagitan ng mga tunggalian sa aking bayan.
Pagkat
bakit nga ba natin sinusuri ang mga epiko ng kung anong nagdaang panahon? Kung
tatanungin natin ang mga guro at mag-aaral ng antropolohiya, sasabihin nilang
malaking tulong ang mga epiko sa pag-aaral ng kultura ng iba't ibang komunidad.
Kung ang mga kritikong pampanitikan naman ang ating kakapanayamin, ang
bibigyang diin ng iba ay ang istruktura ng epiko samantalang ang iba nama'y ang
sukat at tugma o kaya'y ang indayog ng mga salita. Kailangan ang ganitong mga
pagsusuri at hindi dapat tawaran ang kahalagahan ng mga ito. Gayon pa man,
dapat din nating isipin, ano nga ba ang mayroon sa epiko upang maging
makabuluhan sa karaniwang mamamayan sa kasalukuyang panahon? Ang kwento nga ba
ng bayaning nakikipagsapalaran , nakikipaghamok, namamatay ngunit nabubuhay muli
ay mahalaga hanggang sa kasalukuyan?
May
pangangailangan kung gayon, na suriin ang katangian ng mga tauhan, ang
kabuluhan ng mga pangyayari sa mga kwento at ang aral na igingiit ng mga epiko.
Sa ganitong paraan, maaaring lumikha ng paralelismo sa kwentong hinabi ng ating
mga ninuno sa kasalukuyang mga pangyayari, maaaring maging mga simbolo ang mga
tauhan, at ang aral noon ay maaaring aral pa rin hanggang sa ngayon.
Marahil,
higit na magiging mas maliwanag ang nais kong tukuying pamamaraan ng pagsusuri
sa pamamagitan ng isang halimbawa. Mga isang taon na ang nakakaraan, may
ipinalabas na dula sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas o Cultural Center of
the Philippines . Ayon sa may-akda, ang dula ay hinalaw mula sa isang matandang
kwento, isang alamat pa nga yata, kung hindi ako nagkakamali. Gayon pa man,
wala namang gaanong nag-usisa sa pinag-ugatan ng dula. Nang panoorin ng mga tao
ang kwento ng isang bayaning pumaslang sa isang higanteng ibon sa sakim at
masama, may mga nag-akalang ang mga tauhan ay mga simbolo. Ang ibong sakim at
masama ay ang dayuhang nang-aagaw ng yaman ng bansa, ang bayani'y yaong mga
nagtatanggol, ang mga mamamayan ang taumbayang tumulong sa bayani upang
lubusang magapi ang ibon.
Sa
madaling salita, habang pinanonood ng mga tao ang dula ay nawawalan na ng
kabuluhan kung galing ito sa mito , alamat o epiko. Hindi na mahalaga kung
anong klaseng ibon dati ang ibong kinulayan ng asul, pula at puti sa dula.
Hindi na rin tinandaan ng mga manonood ang mga pangalan ng mga tauhang inapi at
sa huli'y lumaban. Ang naiwan sa kanila'y ito: isang dula tungkol sa kaapihan
na nagpaalala sa kanila ng kanilang kaapihan, isang dula ng paglaban na
nagpaalala sa kanila ng kanilang paglaban. Samakatwid, nagtagumpay ang dula
dahil naging makabuluhan ito maging sa mga manonood sa kasalukuyan.
Batay sa
ganitong karanasan, naniniwala akong ang epiko ay dapat pakinggan, basahin,
pag-aralan, hindi para ituring na “gamit pangmuseo” kundi bilang buhay na
panitikan na makabuluhan pa rin hanggang sa ngayon.
ANG
BAYANI'Y MAY MINIMITHI
Ating
isa-isahin ang mga katangian ng iba't ibang epikong tinunghayan. Ang unang
bagay na nakatatawag ng pansin ay ang paglalakbay ng bayani upang matupad ang
kanyang minimithi.
Makikita ito sa epiko ni Lam-ang na naglakbay para hanapin ang amang
nakipaglaban sa mga Igorot na may mga tattoo .
Samantala, si Aliguyon naman, ang pangunahing tauhan ng epikong Hudhud ng mga Ifugao, ay nagtungo, kasama ang kanyang
mga kapanalig, sa Bilibil, upang muling buhayin ang alitan ni Dinoyagan at ng
kanyang ama. Sa epiko naman ng mga Ibaloy, may tinig na humimok kay Bindian,
ang pangunahing tauhan, upang iligtas ang diyosang si Bugan sa mga kamay ni
Kabuniyan, ang diyos ng langit.
Marami
pang epiko ang may ganitong pagsisimula. Sa epiko ni Labaw Donggon mula sa
Gitnang Panay , naglakbay sina Aso Mangga at Buyung Baranogon para hanapin ang
kanilang amang si Labaw Donggon. Sa isa pang epiko mula pa rin sa Gitnang Panay
, naglakbay naman si Humadapnen upang hingin ang kamay ni Nagmalitong Yawa.
Maging si Tuwaang, ang pangunahing tauhan sa epiko ng mga Bagobo ay lumisan
pagkat naghatid sa kanya ng mensahe ang hangin. May dumating na binibini sa
bayan ng Batooy ngunit ayaw nitong makipag-usap sa kahit sino sa magigiting na
lalaki. Dahil dito, kinakailangan niyang maglakbay patungo sa Batooy para
malaman ang suliranin ng binibini. Naglakbay rin si Ulod, ang tauhan ng epiko
ng mga Matigsalug ng Dabao, upang hanapin ang kanyang kapatid na dinukot ng
Binata mula sa Buttalakan.
Samantala, dalawa sa mga epiko ang nagsasalaysay ng paglisan ng
bayani dahil sa pagtutol at tuwirang pakikipaghamok. Sa Ullalim ng mga Kalinga, naglakbay patungong Manluta
sina Banna at ang mga mandirigma ng Dulawon upang kanilang paslangin ang
higanteng si Gittam. Sa Ulahingan naman ng mga Arumanen ng Cotabato, lumisan
sina Tabunaway kasama ang iba pang mga taga-Banobo dahil nais silang gawing mga
Muslim ng mga bagong dating mula sa ibang bayan.
Malinaw
sa mga ibinigay na halimbawa ang tatlong bagay. Una, ang pangunahing tauhan ng
epiko ay ang bayani. Mula simula hanggang wakas ay sa kanyang buhay, mga
tunggalian, pag-ibig at kamatayan umiinog ang kwento. Ikalawa, ang bayani ng
mga epiko ay laging may mithiin. Ikatlo, ang mithiing ito ang siyang dahilan
upang maglakbay ang bayani.
Ating isa-isahin ang mga natukoy na katangian ng mga epiko. Una,
ang konsepto ng bayani sa epiko. Kung susuriin natin ang mga epiko sa konteksto
ng panahon ng ating mga ninuno, masasabi nating ang pagbibigay-halaga sa mga
bayani ay pagbibigay-halaga na rin sa mga katangian ng katapangan at
kagitingan, mga bagay na mahalaga para sa patuloy na pagkabuhay ng isang
komunidad. Sa katunayan, ayon kay Dr. Arsenio Manuel sa kanyang aklat na A Survey of the Philippine Folk Epics , na nalathala
noong 1962, dinakila ng mga Bagobo ang mga bayani ng kanilang mga epiko tulad
ng pagdakila natin sa bayaning si Jose Rizal.
Kung
tutuusin, hindi kataka-taka ang ganitong pag-iisip o paniniwala ng mga
komunidad bago dumating ang mga Kastila. Komunal ang pamumuhay ng mga tao.
Dahil dito, pangkaraniwan ang tulungan, damayan at pakikiramay sa suliranin ng
isa't isa. Madalas, ang problema ng isa, halimbawa'y kawalan ng tahanan o
pagkamatay ng kamag-anak ay problema ng buong komunidad.
Bukod
ito, binibigyang halaga rin ang kagitingan at katapangan dahil kailangan ng
isang komunidad ng mga magtatanggol na mandirigma kung sakaling lusubin ito ng
mga dayo. Kailangang may handang “mag-alay ng buhay” para sa nakararami.
Sa ating
bumabasa sa mga epiko sa kasalukuyang panahon, ang konsepto ng isang bayani ay
mahalaga pa rin bagama't kung susuriin, ay bagay na hindi pinahahalagahan sa
ating mga lipunan. Nabubuhay tayo sa isang panahon kung saan ang umiral na
sistemang pang-ekonomya ay kapitalismo. Dahil ang ibinubunsod nitong kultura ay
kultura ng kompetisyon, maging ang mga taong namumuhay sa isang komunidad ay
“kanya-kanya,” o “walang pakialaman.” Hindi kataka-taka kung gayon, kung maging
indibidwalistiko ang mga tao. O kung mamayani ang mga paniniwalang, “Sarili
muna bago ang iba,” o kaya'y “Hindi na uso ang pagpapakabayani.”
Dito
pumasok ang kahalagahan ng epiko sa kasalukuyan. Sa gitna ng napakaraming
suliranin, tulad ng karukhaan at kawalang katarungan, nananatili tayong
“kanya-kanya” sa halip na nagtutulungan sa paglutas sa mga suliraning ito. Kung
ganito ang aktitud ng lahat, sino pa ang magtatanggol sa maliliit na inaapi sa
lipunang ito? Sino pa ang papanig sa dukha? Kailangan pa rin natin ng mga
bayani, at dahil dito, kailangan pa rin natin ng mga aral na iniiwan ng mga
apiko sa atin hanggang sa kasalukuyan.
Ang
ikalawang katangian ng epiko na natukoy ay ang pagkakaroon ng mga mithiin ng
mga bayani. Gaya ng nabanggit, nais ni Lam-ang na hanapin ang kanyang ama,
hangad ni Bindian na iligtas si Bugan at layon ni Ulod na bawiin ang dinukot na
kapatid. Pansining ang mga mithiing ito ay hindi para sa kanilang pansariling
kapakanan kundi para sa iba maging ito man ay kamag-anak, kaibigan o kahit
ibang taong nais tulungan. Muli, ang pagkabayani ay binibigyang depinisyon.
Nangangahulugan ito ng pagpaparaya, ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba
bago ang sarili.
Muli, mahalaga ang ganitong aral sa kasalukuyan. Una, dahil marami
ang naniniwala na hindi na mahalaga yaong may mithiin pa sa buhay. Madalas,
umiral ang pilosopiyang sapat na ang “magsaya” yamang sa malao't madali ay
mamamatay rin naman ang tao. Ikalawa, ang iba naman ay may mithiin nga, ngunit
mithiin namang makasarili. Dahil nga kapitalista ang sistema ng lipunan,
“materyalistiko” ang tao. (Materialistic, sa Ingles ).
Higit na pinahahalagahan ang pera kung kaya't pangunahing mithiin ng karamihan
ang yumaman. Dahil dito, mahalagang bigyang halaga ang mga bayaning ang mithiin
ay dakila.
Ikatlo,
natukoy rin na ang kanyang mithiin ang siyang dahilan ng paglalakbay ng bayani
ng epiko. Ano ang ibig sabihin nito? Binibigyang diin ng paglalakbay ang
kahalagahan ng pagkilos, ng paggawa ng paraang at pananalig sa sariling gawa.
Naglalakbay ang bayani ng epiko pagkat alam niyang magtatagumpay lamang siya
kapaghanda siyang sumuong sa panganib.
Mahalagang
tukuyin na ang aksyon na isinasagawa ng bayani, ang paglalakbay, ay positibong
pahayag pagkat iwinawaksi nito ang idealistikong pananaw na “ang buhay ay isang
gulong at darating sa iyo ang kapalaran kung kapalaran mo nga talaga ito.” Sa
pamamagitan ng pagkilos ng mga bayani ng mga epiko ay humakbang sila tungo sa
kanilang mithiin, hindi nila hinintay na “ngumiti sa kanila ang kapalaran”
upang maging masaya at matagumpay ang kanilang wakas.
Muli,
para sa ating mambabasa ng kasalukuyan na hinubog ang kaisipan para maghintay
ng pag-asa at swerte sa buhay, mahalagang pag-aralan ang sinasabi ng epiko ?
kung nais mong makamit ang iyong mithiin, kumilos ka.
ANG
KATUNGGALI NG BAYAN
Gayon pa
man, hindi lamang ang konsepto ng bayani ang mahalaga maging sa kasalukuyang
panahon. Hindi rin naman matatawaran ang kabuluhan ng katunggali ng bayani sa
bawat kwento. Lalong tumitingkad ang magagandang katangian ng bayani dahil sa
kanya. Higit na nagiging makulay ang mga pangyayari dahil nagdadala siya ng
sigalot at ligalig.
Pansinin
ang mga katangian ng mga sumusunod na mga katunggali ng mga bayani sa iba't
ibang epiko. Ang katunggali ni Lam-ang ay si Sumarang, na may mga matang
kasinlaki ng plato at ilong na kasinlaki ng dalawang paa. Samantala,
nakipagtunggali naman si Handiong sa mga sumusunod: malignong iisa ang mata,
baboy-damo, mga buwaya at iba pa. Ang kanyang kapanalig na si Bantong ay
nakipagtuos sa isang maligno na ang pangalan ay Rabat , kalahating hayop at
kalahating tao na nang-aakit ngunit ginagawang bato ang naaakit. Sa kamay naman
ng magagandang babaeng sina Singkating Bulawan at
Simalubay-Hanginun-Simahubokhubukon na nakatira sa isla ng Taramban nahulog si
Humadapnen kung kaya't naging bihag siya sa loob ng pitong taon.
Sa mga
nabanggit na halimbawa, mapapansin ang mga sumusunod. Una, madalas, ang
katunggali ay pangit, nakatatakot, hayop, higante, halimaw o maligno.
Samakatwid, hindi ito tao na nagtataglay ng mga katangian ng isang tunay na
tao. Dahil dito, inaasahan ang pagkagapi nito sa bayani ng epiko pagkat ang
bayani ang siyang tunay na tao na may mga katangiang katapangan at kagitingan.
Ang hindi
pagiging “tunay na tao” ng katunggali ng mga bayani sa epiko ang nagbibigay ng
higit na puwang para sa mas maraming interpretasyon. Maaari itong tingnan
bilang simbolo ng lahat ng balakid na maaaring harapin ng bayani sa kanyang
paglalakbay. Sa ganitong paraan, nagiging payak ang mensaheng ipinaaabot ng
epiko ? nagtatagumpay ang bayaning handang humarap sa panganib. Sa ganitong
paraan, ang “pokus” ng epiko ay nananatili pa rin sa bayani at hindi sa
katunggali. Ang binibigyang diin ay ang paggapi sa balakid tungo sa tagumpay at
kaya lamang may iba't ibang lakas at pambihira ding mga katunggali ay upang
lalo ring tumingkad ang katapangan ng bayani.
Ang ikalawang bagay na kapansin-pansin sa ilang mga katunggali ay
ang pagiging mapanlinlang ng mga ito. Si Rabat, halimbawa, sa epikong Handiong ay nang-aakit ngunit pagkatapos magtagumpay
ay ginagawang bato ang mga tao. Ang magkapatid naman sa isla ng Taramhan ay
ginamit ang kanilang angking halina upang gawing bihag si Humadapnen.
Ang
pagkakaroon ng katangiang mapagbalatkayo ng katunggali ng bayani ay masasabing
waring babala sa sino mang nakikinig o nagbabasa ng epiko. Pinaaalalahanan nito
ang mga tao na pinakamapanganib ang mga kaaway na nagpapanggap na mga kaibigan.
Ang mga
katangian ng mga katunggali na inilalarawan sa mga epiko ay totoo hanggang sa
kasalukuyang panahon. Kung ating susuriin ang pinakaugat ng ating mga
pang-araw-araw na suliranin tulad ng pagtaas ng presyo ng bilihin, mababang
sahod o kaya'y korupsyon sa pamahalaan, mapag-aalamang ang kaaway ay hindi
lamang “tao.” Dati, isinisisi natin ang lahat kay Marcos. Nang mapaalis siya sa
pagiging pangulo at pumalit si Gng. Aquino, nanatili ang dating mga problema na
akala natin ay wala na. Nangangahulugan bang si Pangulong Aquino naman ngayon
ang suliranin? Kung pakikinggan natin ang sinasabi ng epiko, malalaman nating
hindi. Hindi “tao” ang kaaway kundi isang mas malaki at mas pangit na halimaw ?
ang kabuuang sistema ng lipunan. Itinuturo, kung gayon, ng epiko na tingnan
natin nang mas malalim ang mga bagay-bagay. Ang tunggaliang hinaharap ng mga
bayani ay hindi simpleng labanan ng lakas sa kapwa lakas. Marami ang balakid,
malakas ang kalaban at masalimuot ang labanan pagkat may kailangan gumuho o
mamatay upang magkaroon ng pagbabago o tagumpay.
Ang
kaaway ay hindi madaling makilala. Ito ang isa pang aral na itinuturo ng epiko.
Totoo pa rin ito hanggang sa kasalukuyan. Maraming pulitikong kayhusay
mang-akit sa pamamagitan ng mga pangako. May mga bansang katulad ng Estados
Unidos na kunwa'y naghahatid ng tulong sa Pilipinas ngunit ang interes naman
pala'y panatilihin ang kanilang mga base military at kumita ng pera sa
pamamagitan ng malalaking korporasyon sa bansa. At dahil tayo'y nabibighani sa
mga pangako at hindi natin nakikita ang mga balatkayo, nagmimistula tayong mga
bihag o kaya'y mga “taong bato.” Hindi tayo makaahon sa kahirapan at hindi rin
tayo lubusang malaya hanggang sa kasalukuyan.
Malinaw,
kung gayon, na kung paanong ang mga katangian ng mga bayani ng epiko ay
mahalaga hanggang sa ngayon, ganoon din ang mga katunggali ng bayani. Sa
pamamagitan ng pagtingin sa mga bayani at katunggali bilang mga “simbolo,” ang
relasyon ng dalawa ay nagkakaroon ng bago ngunit makatotohanang interpretasyon.
Ang bagong interpretasyong ito ang siyang nagpapatunay sa kabuluhan ng
pag-aaral ng epiko hanggang sa kasalukuyan.
ANG
PAG-IBIG NG BAYANI
Gayon pa
man, hindi magiging kumpleto ang mga tauhan kapag hindi nabanggit ang pag-ibig
ng bayani sa epiko.
Kung ating susuriing mabuti, makikitang nagtataglay ng iba't ibang
katangian ang mga babaeng sinisinta ng mga bayani. Una, madalas ay ubod siya ng
ganda. Maaaring mayroon pa siyang mga palamuting mga alahas tulad nina Ines
Kannoyan ng epikongLam-ang o ni
Bugan ng epikong Hudhud ni Aliguyon.
May mga pagkakataong tinutulungan at inililigtas ng bayani ang
kanyang pag-ibig sa kapahamakan. Sa epikong Tuwaang ,
isinalaysay ng Binibini ng Kalangitan kung paano niya tinakasan ang Binata ng
Pangumanon dahil nais siyang pakasalan nito. Ayon sa binibini, nagdala ng
kapahamakan ang Binata sa kanyang bayan at sinunog ang bawat pook na pagtaguan
niya.
Sa
kalagitnaan ng kanyang pagkukwento ay dumating ang Binata at naghatid ng apoy
at sigalot sa bayan ng Batooy. Dahil dito, nakipagtunggali sa kanya si Tuwaang.
Pagkatapos magapi ang Binata, dinala ni Tuwaang ang Binibini sa kanyang bayang
Kuaman.
Ang
sitwasyon ng tagapagligtas at ng inililigtas ay hindi ganito sa lahat ng
pagkakataon. Minsan, ang “sinta” ng bayani ang siyang nagliligtas sa kanya at
hindi lamang naghihintay na iligtas siya ng bayani.
Halimbawa,
nang matagpas ang ulo ni Bindian at gumulong ito sa mga kamay ni Bugan,
nakiusap ito para sa kanyang buhay. Nangako si Bugan na ibabalik niya ang buhay
ni Bindian kapag sinaksak siya nito ng patalim. Ginawa ito ni Bindian at
nabuhay, ngunit namatay naman si Bugan.
Sa epiko
naman ng mga Sulod ng Gitnang Panay, nabihag sa loob ng pitong taon si
Humadapnen sa isang kweba. Ang nagligtas sa kanya ay ang nakabalatkayong si
Nagmalitong Yawa na kanyang napangasawa sa pagwawakas ng kwento.
Kapansin-pansin din ang mahabang proseso na pinagdaraanan ng
bayani upang mapangasawa ang kanyang sinisinta. Halimbawa, kailangang
mapantayan ni Lam-ang ang mga ginto ng pamilya ni ines Kannoyan at maghatid ng
mamahaling regalo para patunayan ang kanyang sarili. Sa Ullalim naman ng mga Kalinga, papayag lamang si
Suyyaba na mapangasawa ni Banna ang kanyang anak na si Laggunawa kapag napatay
na nito si Liddawa, ang kaaway ng mga mamamayan ng Magobya.
Kung
ating lalagumin, may tatlong bagay na natukoy hinggil sa pag-ibig ng mga
bayani. Una, madalas na maganda at kaakit-akit ang mga babaeng napupusuan. Kung
ang susundan nating pananaw sa pagsusuri ay ang pananaw na ginamit natin sa
pagtingin sa bayani at katunggali, maaaring ipagpalagay na ang “pag-ibig” ng
bayani, ay “simbolo” rin. Samakatwid, ang “babaeng sinisinta” ay maaaring ano
mang bagay na “maganda,” “kaakit-akit,” at ‘kapuri-puri” na maaaring hangarin
ng bayani o “sino mang taong may dakilang mithiin sa buhay.”
Mahalaga
ang papel nitong “babaeng sinisinta” o “bagay na hinahangad” sa kwento ng
bayani. Dahil handang maglakbay at makipagtunggali ng bayani nang dahil sa
kanya, nagiging masalimut at kapana-panabik ng daloy ng kuwento. Madalas, sa
pagpapakasal sa babae, o kung ginagamit natin siya bilang simbolo, sa pagkamit
ng “hinahangad” natatapos ang isang bahagi ng epiko.
Ikalawa,
dumaraan sa mahaba at mahirap na proseso ang bayani bago niya tuluyang makamit
ang kanyang pag-ibig. Kung susundan nating muli ang pananaw na ang pag-ibig ay
simbolo, tunay namang hindi madaling makamit ang bagay na pinakahahangad ng mga
bayani.
Kung
isasakonteksto pa natin sa kasalukuyang panahon ang talakayan, mabubuo ang
ganitong balangkas. Ang bayani ang Pilipinong nagmimithi ng kabutihan para sa
kanyang bayan ? kalayaan, katarungan, kapayapaan a kasaganaan. Katunggali niya
sa pagkakamit ng mithiing ito ang iba't ibang halimaw o pwersa na may sakim at
pansariling interes ? pagyaman, kapangyarihan at iba pa. Gayon pa man,
nagpapatuloy siya sa paghahangad sa isang bayang malaya. Handa siyang maglakbay
at makipagtunggali para matupad ang hangaring ito gaano man katagal o ano mang
hirap ang abutin niya.
Gayon pa
man, hindi naman laging malakas, matapang at hindi nagagapi ang bayani o ang
mamamayang may dakilang mithiin. Sa mga pagkakataong nagagapi siya ng kaaway o
kaya'y pinanghihinaan ng loob, nagsisilbing tagapagligtas niya ang lakas ng
loob na hatid ng kanyang pag-ibig sa bayan. Ito ang nagbibigay sa kanya ng tapang
na harapin at pagwagian ang ano mang pagsubok. Ito rin ang ikatlong katangiang
natukoy hinggil sa pag-ibig ng mga bayani. Mismong ang paghahangad ng bayani sa
kalayaan ng bayan ang siyang nagpapalaya sa kanya sa pagkaalipin.
ANG MGA
KAPANALIG NG BAYANI
Kung
mahalaga ang pag-ibig sa buhay ng bayani, mahalaga rin ang kanyang mga
kapanalig. Sila ang siyang tumutulong sa kanyang magapi ang kanyang mga
katunggali.
Nang
umabot hanggang tanghali ang pakikipaghamok nina Aliguyon at Dinoyagan,
nakilahok na rin ang kanilang mga kasama. Sa epiko naman mula sa gitnang Panay,
katulong ng bayaning si Labaw Donggon ang kanyang mga anak na sina Aso Mangga
at Buyong Baranogan at ang kanyang mga kapatid na sina Buyong Humadapnen at
Buyong Dumalapdap. Mga kaibigang espiritu naman ang tumulong kay Humadapnen
nang muntik na siyang maipit ng mga bato. At nang mapagod sa labanan si
Bantugan, tamang-tama namang ang pagdating ng kanyang mga anak na sina Alongan
Pisunyanan, Daidaimairinindo, Watakaiabarat, Barobarosaragat, Ginaasanaorai,
Misunaiasasabai at Monasumanpayongan.
Mahalagang
bigyang diin na ang bayani ng ating mga epiko ay mga bayaning madalas ay hindi
nakikipagtunggali at nagtatagumpay nang mag-isa. Sa ganitong paraan, binabasag
natin ang paniniwalang iisang “bayani” ang natatanging tagapagligtas sa tuwing
may suliraning hinaharap. Sa pamamagitan ng paglalarawan sa bayani ng epiko
bilang mandirigmang kailangan pa rin ang tulong ng kanyang mga kapatid, anak at
kapanalig, pinahahalagahan ng epiko ang kolektibong pagkilos at pakikipaghamok.
Ang
ganitong pag-iisip ay higit na mahalaga sa kasalukuyan. Ang solusyon sa mga
nabanggit na suliranin ng lipunan ay dapat tingnan na hindi lamang nakasalalay
sa iisang bayani kundi sa pagkakaroon ng maraming bayani. Samakatwid, hindi
lamang mahalaga ang pagkakaroon ng isang bayaning may dakilang mithiin na
handang makipagtunggali kundi ang sama-samang pagkilos ng maraming bayaning
kapwa may mga dakilang mithiin at handang makipagtunggali.
ANG BAYANI'Y DI NAMAMATAY
Sa ano't
ano man, laging may pag-asa sa epiko. Datnan man ng sakuna, magapi man ng
kaaway, mapaslang man sa labanan, ang bayaning namatay ay muling nabubuhay.
Nang
kainin si Lam-ang ng rarang, isang malaking isda, kinuha ng isang maninisid sa
ilalim ng dagat ang kanyang mga buto. Pagkatapos nito'y inutusan ng tandang si
Ines Kannoyan na takpan ang mga buto ni Lam-ang. Nang ikampay ng tandang ang
kanyang mga pakpak, muling nabuhay si Lam-ang.
Nabanggit
na rin kanina ang pagkakaligtas kay Bindian sa epiko ng mga Ibaloy. Nang
matagpas ang ulo ng bayani, nakiusap siyang mabuhay, kung kaya't pumayag naman
si Bugan sa isang kondisyon. Inutusan niya si Bindian na saksakin siya ng
patalim. Nabuhay si Bindian at si Bugan ang siyang namatay.
Nakaburol
na't ipinagluluksa si Bantugan, ang bayani sa epiko ng mga Maranaw, nang isigaw
ni Mabaning, isang magiting na lalaki, ang katanungan ukol sa kinaroroonan ni
Bantugan. May mahinang boses na sumagot mula sa isang boteng may tapon.
Binuksan ito ng magigiting na lalaki, lumabas ang isang kaluluwa at muli ay
nagbalik ang buhay kay Bantugan.
Pansinin
na hindi naman basta na lamang nabubuhay ang mga bayani. Kailangan ang
pagtutulungan ng tandang, ng maninisid at ni Ines Kannoyan bago tuluyang
nabuhay si Lam-ang. Nag-alay ng kanyang buhay si Bugan para lamang huwag
mamatay si Bindian. Kinailangang buksan ang boteng may tapon bago nabuhay si
Bantugan.
Sa
ibinigay na mga halimbawa, may tatlong bagay na nakapagbigay ng buhay sa bayani
ng epiko: pagtutulungan at sama-samang pagkilos, pag-aalay ng buhay at paglaya.
Ano ang
ibig sabihin nito? Kung susundan natin ang ginagamit na kontemporanyong
pagbasa, at titingnan natin ang bayani bilang mamamayang Pilipino na may
dakilang mithiin ng kalayaan, katarungan at kasaganaan at handang
makipagtunggali para sa kanyang bayan, ganito ang ating magiging
interpretasyon:
Ang
bayani'y hindi namamatay pagkat ang ating bayani ay hindi iisang tao kundi
maraming bayani na kumikilos bilang isa. Samakatwid, mayroon mang isang mabuwal
sa labanan, marami ang papalit, at dahil dito, ay walang katapusan ang
tunggalian.”
Ang
bayani'y hindi namamatay pagkat laging may handang magbuwis ng buhay para sa
iba. Hangga't may nagpapahalaga sa iba nang higit sa sarili, mananatiling
malakas at hindi naigugupo ang pwersa ng mga lumalaban.
Ang bayani'y
hindi namamatay hangga't buhay ang kaluluwa ng pakikibaka. Ito ang diwa, ang
esensya, ang dahilan ng pakikipagtunggali. Hangga't naniniwala ang mga bayani
ng ating bayan na sila ang nasa matwid, hindi sila mawawalan ng pag-asa.
ANG
KWENTO'Y HINDI NATATAPOS
Nangangamba
ang mga mag-aaral ng antropolohiya na balang araw, mangamamatay ang
mangilang-ngilan na nakaaawit pa ng epiko sa mga komunidad ng mga katutubo.
Baka daw dumating ang panahon na wala na ni isa man ang makaawit ng epiko.
Maaaring hindi na muling marinig ang kwento ng pakikipagtunggali ng isang
bayani sa mga kasalan, lamayan para sa patay at iba pang pagtitipon ng mga
katutubo.
Totoo.
Malaki ang posibilidad na mangyayari nga ito. Totoo ring nakapanghihinayang ito
para sa lahat ng mga Pilipino. Gayon pa man, dapat nating isipin na ang epiko
ay nalikha bilang isang anyong pampanitikan dahil na rin tinugunan nito ang
pangangailangan ng mga komunidad bago pa dumating ang mga Kastila. Higit sa
pagiging kwento lamang ng iisang bayani, ang epiko ay kwento ng buhay ng ating
mga ninuno?ang kanilang paniniwala, ang kanilang katapangan at kagitingan, ang
kanilang pang-araw-araw na buhay.
Sa pinakahuling epikong binasa ko sa aking pag-aaral at pagsusuri,
ang Ulahingan , na sinaliksik ni Prop. Elena Maquiso sa
Cotabato, nakita ko kung paano nagbabagu-bago ang bersyon ng epiko upang
maisalaysay ang mga tunggaliang kinakaharap ng mga Livunganen-Arumanen.
Sa unang
bahagi, isinasalaysay kung paanong kinailangang lumisan si Tabunaway at ang
kanyang mga kasamahan sa Banobo pagkat nais silang gawing mga Muslim ng mga
dayo. Sa bandang gitna naman, ang kwento'y kwento ni Kuyasu, ang lalaking
pumatay sa sultan na pinipilit ang mga mamamayan na magbayad ng napakalaking
buwis. Sa isa pang bahagi nakatuon ang istorya sa pagpapahirap na ginawa ng
sultan sa mga bata at matanda na itinali niya upang mamatay sa ilalim ng init
ng araw at ang pagtakas ng mga ito sa kabundukan.
Ang
kwento ng dayuhang nagpipilit ng kagustuhan, ng hari na nangongolekta ng labis
na buwis, ng pagpapahirap at paglikas ng mga tao para umiwas sa tirano ay
kwentong hindi na bago. Kung tutuusin, hindi lamang ito kwento ng Ulahingan,
kundi kwentong matatagpuan sa maraming akda, nobela, dula at iba pang panitikan
na naglalarawan ng lipunang Pilipino. Kwento itong naririnig hanggang sa
kasalukuyan.
Ito ang
dahilan kung bakit ang epiko ay hindi maaaring mamatay. Maaaring balang araw ay
matagpuan na lamang natin ang mga etnoepiko sa mga aklat o sa mga tinig na
inirekord ng mga cassette, ngunit ang kwento ng bayaning may dakilang mithiin
ay patuloy na isasalaysay hangga't may pangangailangan para sa mga bayani.
Binalikan
ko ang mga etnoepiko ng aking bayan sa pag-aakalang may matututuhan ako tungkol
sa aking mga ninuno, at sa buhay ng isang nagdaang panahon. Higit pa rito ang
aking naunawaan. Ang kwento ng bayaning di namamatay ay kwento ng lahat ng
Pilipinong nakibaka laban sa lahat ng dayuhan, maging ito man ay Kastila,
Amerikano o Hapon. Kwento ito ng patuloy na pakikibaka para sa tunay at ganap
na kalayaan. Kwento itong kailangang patuloy naming isalaysay upang mula rito
ay humalaw kami ng tapang at lakas. Hangga't hindi natatapos ang aming
paglalakbay tungo sa kasarinlan, may epikong aawitin tungkol sa bayaning hindi,
hindi maaaring mamatay.
"PARA SA AKING MINAMAHAL"
Isinulat ni April Joy S. Acosta
Simple lang naman ako noon
Walang pakielam sa paglipas ng panahon
Ngunit nag-iba na ata ngayon
Simula ng makita siya kahapon
Ako'y nabigla at natulala
Nang matanaw ang maamo nyang mukha
Ako'y nabighani at napahanga
Sa taglay nyang kakaibang karisma
Dahil ako ay mahiyain
Di ko magawang siya ay tawagin
Upang pangalan niya ay alamin
At makilala na din
Napansin niya ata ako'y nakatingin
Kaya ako ay nilapitan na rin
Una ako'y naging mahiyain
Ngunit paglipas naging ayos na rin
Madalas ko na siyang makasama
Dahil doon ay labis akong natutuwa
Lalo na pag siya'y nagpapatawa
Dahil puso ko'y nagagalak talaga
Pag-ibig na nga ba ang nararamdaman
Para sa kanya itong nilalaman
Nang puso ko at isipan
Palaging siya ang napapanaginipan
Akala ko ay magiging masaya
Ang pagtatapos nitong tula
Ngunit nagkamali ako, hindi pala
Pagkat kami ay nagkahiwalay na
Mahal ko sya, yun ang tanging alam
Ngunit ako ngayo'y nagdadamdam
Pagkat sa akin sya ay nagpaalam
Nawala ang lalaking aking inaasamasam
Inisip kong magtapat na sa kanya
Upang damdamin ko mapagtanto na
Ngunit bakit parang di ako kilala
Hindi siya sumasagot sa aking liham na padala
Marahil ako'y kinaibigan niya lang
Sapagkat sa akin siya ay may kailangan
Hindi ko alintana pagkat ako'y nalinlang
Nang damdaming kong nararamdaman
Gusto kong isipin na ako'y minahal din
Ng taong aking mamahalin
Ngunit bakit siya'y walang damdamin
Na nakalaan para lang sa akin
Masakit para sa akin ang nangyaring ito
Lalo't unang pagibig ito ng puso ko
Kaya hindi mapigilan na mapaluha ako
Sa tuwing siya ay naaalala ko.
Mga Manunulat:
April Joy S. Acosta
Thea Domingo
Kenneth
Roxas
La
Villamayor
Sai Salinas
Philip Principio
Gabriel
Bagot
Lian Lotrenia